Persona non-grata sa Fil-Am PBA players na nameke ng dokumento para maging Pinoy
November 21, 2002 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senador Robert Barbers na dapat ideklarang persona non-grata ang mga dayuhang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na matutuklasang pineke ang kanilang mga dokumento para palabasin na may dugong Filipino ang mga ito.
Sinabi ni Sen. Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, tumanggap siya ng impormasyon na maraming mga dayuhang PBA players ay dinoktor lamang ang kanilang mga isinumiteng dokumento sa Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng Bureau of Immigration (BI) para palabasin na may dugo silang Pinoy.
"I am in close coordination with my contacts who already furnished me with pieces of evidence that there are players who manufactured documents such as their parents birth certificates. This is a clear of credit and defraud," wika pa ni Barbers.
Aniya, hihilingin din niya sa Senado ang agarang imbestigasyon upang rebyuhin ang pinaiiral na policies ng PBA kaugnay sa status ng mga Fil-foreigner players at ang basehan ng BI sa pag-eendorso nito sa DOJ para sa kinakailangang sertipikasyon ng kanilang citizenship upang makapaglaro sa PBA.
Idinagdag pa ng mambabatas, maging ang mga agents na tumulong para palsipikahin ang mga dokumento ng mga Fil-foreigners na ito ay dapat managot din sa ilalim ng ating batas bukod sa pagbabawal sa mga ito na makipag-transaksiyon pa sa PBA. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended