Paragua bumandera para sa 'Pinas
November 21, 2002 | 12:00am
Tinalo ni International Master Mark Paragua (ELO 2476) si Anton Situkov (ELO 2348) ng Ukraine upang ibangon ang team Philippines mula sa nakakadismayang pagkatalo sa round five nang pagwagian nila ang lahat ng pitong laban sa round six ng World Youth Chess Championship 2002 sa Herrsonissos, (Heraklio) Crete, Greece.
Ang panalo ng 18-anyos na si Paragua na umaasa na maging ikalima at pinakabatang Grandmaster ng bansa ang nagpaganda ng kanyang win record sa 4.5 puntos na nalikom sa boys under-18 category.
Itinakas naman ng 2002 NCAA MVP at board 2 gold medalist National Master Roderick Nava ang kanyang panalo matapos na hiyain si Bert Michiels (ELO 2254) ng Belgium upang iposte ang 3.5 puntos sa boys 18 and under.
Hindi rin nagpahuli ang pambato ng Letran na si Vicneil Villanueva nang kanyang pabagsakin si Batkhorol Bliget (ELO 2101) ng Mongolia sa boys under-14 group upang kanain ang 3 puntos.
Nakopo naman ng University of the East-Manila campus student na si Nelson Elo Mariano III ang kanyang ikaapat na puntos matapos na gapiin si Tomas Fodor (ELO 2100) ng Hungary sa boys under 12 division.
Diniskaril ni Loren Brigham Laceste si Albert San Martin ng Chile para sa kanyang ikatlong panalo matapos ang isang pagtatabla sa boys under 10 class.
Sa kababaihan, nananatiling malinis ang kampanya ni Aices Salvador, mag-aaral mula sa University of the East-Manila nang kanyang itala ang 3 puntos makaraang payukurin ang kalabang si Molly Morruzi ng England sa girls 9 under category.
Nasungkit naman ng 2002 ASEAN under-10 champion Cheradee Chardine Camacho ng Caba, La Union ang kanyang ikalawang sunod na tagumpay nang kanyang silatin si Tater Gasparjan ng Armenia sa girls under-10 bracket.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended