3 umaatikabong bakbakan sa Casino Filipino
November 20, 2002 | 12:00am
Tatlong nakalinyang sagupaan ang nakatakdang matunghayan ngayong gabi sa Theater ng Casino Filipino sa Parañaque.
Tinaguriang Bakbakan sa Casino Filipino, itatampok ng Elorde International Productions ang World Boxing Council (WBC) International flyweight championship sa pagitan ng kasalukuyang titlist na si Randy Mangubat kontra mahigpit niyang karibal na si Bert Cano.
Ito ang ikalawang paghaharap nina Mangubat at Cano kung saan tinangka ng huli na maagaw ang WBC crown noong nakaraang Pebrero 2001, subalit ang nasabing laban ay nauwi sa technical knock-out sa 4th round kung saan napanatili ni Mangubat ang kanyang korona.
Isa pang international title fight ang sasambulat sa pagitan naman nina Archiel Villamor at Roselito Campana para sa Pan Asian Boxing Association (PABA) flyweight championship.
Tampok naman ang paghaharap nina Bobby Pacquiao na magdedepensa ng kanyang Philippine Super featherweight title kontra dating Philippine featherweight champ Baby Lorona Jr.
Susuporta naman sa nasabing slugfest ang dalawa pang Rubillar brothers na sina WBC Intl minimumweight champion Ernesto Rubillar at WBC international lightfly-weight title holder Juanito Rubillar sa 8-round non-title fight kontra Armand dela Cruz at Rey Orais, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended