UST pasok na sa semis
November 20, 2002 | 12:00am
Inokupahan ng University of Santo Tomas ang unang semifinals nang kanilang maungusan ang Ateneo de Manila University, 74-71 sa 2002 Champions League Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.
Umiskor ng basket si Cyrus Baguio at split shot naman kay Vizcara upang basagin ang 71-pagtatabla para sa final score, 7.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Tinangkang makahirit ng Ateneo ng overtime ngunit pumaltos naman ang pinakawalang tres ni Ritchie Alvarez sanhi ng pagkatalo ng Blue Eagles.
Malakas ang simula ng Tigers nang kanilang isara ang unang canto sa 28-10 kalamangan, ngunit sa pagsapit ng halftime, abante na ang Ateneo sa 38-37 sanhi ng kanilang 29-9 produksiyon sa ikalawang quarter.
Itinakda naman ng Far Eastern University ang kanilang pakiki-pagduelo sa UST nang pabagsakin ng Tamaraws ang St. Francis of Assisi 57-44. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended