UST vs Ateneo

May nakaambang malaking banta ang Metro Manila school teams na naka-entra na sa quarterfinal round ng Champions Cup 2002 makaraang magwagi ang University of Visayas kontra sa Jose Rizal University kahapon sa Makati Coliseum.

Ang panalo ng UV na ginigiyahan ng dalawang shooters sa Philippine Basketball Association na sina Elmer ‘Boy’ Cabahug at Alfonso ‘Alo’ Solis ang nagdala sa kanila sa quarterfinals kasama ang Ateneo de Manila University, San Sebastian College, St. Francis of Assisi Academy, Far Eastern University, Las Piñas College, University of Santo Tomas at University of the East sa round of eight ng tournament na ito na hatid ng Petron, San Miguel, PLDT, Adidas, Wilson, Hapee at PAGCOR.

Sa alas-dos ng hapon ngayon, haharapin ng UAAP champion Ateneo Blue Eagles ang UST Growling Tigers para sa isang slot sa Final Four, habang sa alas-kuwatro naman, magtutunggali ang multi-titled top seed St. Francis of Assisi Doves at Far Eastern Tamaraws.(Ulat ni Maribeth Repizo)

Show comments