^

PSN Palaro

'Bakbakan sa Casino'

-
Tinanggap ni World Boxing Council (WBC) International flyweight king Randy Mangubat ang hamon ng kanyang mahigpit na kalaban na si Bert Cano para agawin ang hawak na korona ng una.

Nabigo si Cano na maagaw ang prestihiyosong WBC belt ni Mangubat na kanyang iniingatan simula pa noong Pebrero 2001 sa kanilang unang paghaharap kung saan ang nasabing laban ay itinigil sa pagsapit ng 4th round.

"Na-head butt lang nya ako kaya siya pa rin ang nanalo. Pero kung sa galing at lakas lang ay hindi siya uubra sa akin," pagbabanta ni Cano nang mag-courtesy call ito sa CF-Parañaque.

Tangka ni Cano na mapabagsak si Mangubat sa 3rd round pa lamang ng kanilang 12-round bout.

"Hahalik siya sa lona at magsisi siya sa pagtanggap ng hamon ko. Ito na ang katapusan niya bilang kampeon," dagdag pa ni Cano.

Ngunit ang banta ni Cano ay balewala lamang kay Mangubat.

"Puro siya daldal. Tignan natin ang galing niya sa Miyerkules sa paghaharap namin kakainin niya ang mga sinabi niya," sagot naman ng kampeon kay Cano.

Tinaguriang ‘Bakbakan sa Casino Filipino,’ ang nasabing laban ay gaganapin sa Miyerkules sa Casino Filipino Theater sa Parañaque na suportado ng Philippine Amusement & Gaming Corp.

vuukle comment

BERT CANO

CANO

CASINO FILIPINO

CASINO FILIPINO THEATER

GAMING CORP

MANGUBAT

MIYERKULES

PHILIPPINE AMUSEMENT

RANDY MANGUBAT

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with