Ang Player's Union at si Jojo Lastimoso
November 19, 2002 | 12:00am
Mahigit isang linggo na ring nananahimik si Jojo Lastimosa, ang PBA player na kasama ni Alvin Patrimonio na nais iaktibo muli ang Players Union.
Walang kaso kung gusto nilang maging aktibo ang kanilang unyon dahil para sa kapakanan nila at ng mga kapwa players nila yon.
Ang problema nga lang tila nawala sa landas si Lastimosa sa pagsasalita sa ilang media tungkol sa unyon, salary cap, Fil-Am players at higit sa lahat sa Players Trust fund.
Nakakatawa na mismong si Lastimosa at Patrimonio ay mga member ng board pero sa kanilang pakikipag-usap sa ilang media eh lumalabas na wala silang alam tungkol sa trust fund.
Kaya siguro nanahimik si Lastimosa ay dahil may lumabas sa Philippine Star na mga pangalan ng beneficiaries na mga anak ng kanilang mga kakosa.
Tulad ng unang tinuran ko, walang masama sa Players Union nila. Kasi malaking tulong ang kanilang magagawa sa kanilang mga kapwa-players lalo na yung mga kapos-palad at walang suwerteng players na hindi na naglalaro, na-injured man o hindi nakaipon man o walang-wala talaga.
O, di mas maganda sana ang magiging papel ni Lastimosa kung ang prayoridad niya sa muling pag-aktibo ng Players Union eh ang kanyang mga kasama hindi yung pagsatsat ng tungkol sa trust fund na sana kinausap niya muna ang kinauukulan bago nagsalita ng kontra dito.
Tungkol naman sa salary cap, pag-isipan din muna sana nila ito dahil kapag tuluyang nawala ang PBA dahil sa taas ng suweldong hihingin nila sa kangkungan sila pupulutin.
Nakasaad sa batas ng PBA na kapag nawala ang liga, terminated din ang kontrata ng mga players sa kanilang mga koponan na ibig sabihin hindi sila puwedeng maghabol dahil nakasaad sa kasulatan ng PBA yun.
So, mas maganda sanang makipag-usap muna sila sa kanilang mother team kung papaano magiging maganda ang kanilang samahan tungkol sa financial aspect ng mga players.
Ang isa pang ipinagsisintemiyento ng mga players ay ang pagkuha ng mga Fil-Am na ayon sa kanila ay hindi naman daw mga tunay na Filipino.
Bakit ang PBA ang kanilang kinukuwestiyon?
Dapat sigurong tanungin nila ang Department of Justice tungkol dito dahil ito ang nagpatunay na may dugong Filipino ang mga naturang Fil-Am, Fil-Tongan, Fil-Jap o kung anuman ang tawag sa iba.
At isa pa, mas marami ang nakakapunang mas may pusong-Filipino ang mga Fil-Ams na ito sa paglalaro kaysa sa ilang players diyan.
Obserbasyon ko lang naman yun, although marami pa rin namang local players na nagpapakamatay sa paglalaro.
O di ba?
Pero, siguro mas naiisip na ni Lastimosa na walang magandang patutunguhan ang kanyang pag-target sa PBA kaya nanahimik na ito.
Sasaludo pa ako sa yo kung mas bibigyan mo ng prayoridad ang kapakanan ng kapwa mo players, naglalaro pa o nagretiro, at hindi lamang ng sarili mong kapakanan sa muling pag-activate ng Players Union.
At isa pa pala, di ba maging ang may-ari ng team na pinaglalaruan mo Mr. Lastimosa eh Amerikano, at maging ang coach mo?
So anong galit mo sa kanila?
Walang personalan, trabaho lang!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended