Napuwersa ng 18-anyos na si Paragua si Flumbort na makipaghatian ng puntos sa boys-under 18 group na nagbigay sa Filipinos ng tatlong panalo at isang draw.
Unang ginapi ni Paragua sina Zhang Shouya ng China, Damir Husnotdinov ng Uzbekistan at Anthony Bellaiche ng France, ayon sa pagkakasunod.
Hindi naman umayon ang magandang pagkakataon kina NM Roderick Nava at Nelson Mariano III nang kapwa matalo sa kani-kanilang kalaban.
Yumukod si Nava kay IM Shariya Memedyev ng Azerbaijan, habang natikman ni Mariano ang kanyang unang pagkabigo sa mga kamay ni Emilis Pileckis ng Lithuania sa boys-12 under category.
Si Mariano ay mayroon ng nalikom na 3 puntos, habang 2.5 naman si Nava sa boys-18 under class.
Naligtasan naman ni Vicneil Villanueva ang hamon ni Haren Pandaya Namra (ELO 1899) ng India nang kanya itong igupo para sa 2 puntos na naipon sa boys-under 14 bracket.
Nauwi sa draw ang laban nina Loren Brigham Laceste at Yam Nahed ng France sa boys under-10 division.
Sa kababaihan, yumukod si Aices Salvador kay Olga Gurira ng Russia sa girls-12 under category, habang nanalo naman si Cheradee Chardine Camacho, pambato ng Pine City Chess Academy kay Janine Flores ng Brazil sa girls under-10 bracket.