ICTSI ginilitan ng Blades
November 19, 2002 | 12:00am
Sumandal ang LBC-Batangas kina Alex Compton at Froilan Baguion sa huling anim na minuto ng laro upang pabagsakin ang ICTSI-La Salle, 84-80 kahapon sa PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.
Si Compton, na galing lamang sa trangkaso, ay namuno para sa Batangas sa kanyang kinanang 19 puntos upang bigyang inspirasyon ang pagbangon ng kanyang koponan sa final half, habang nagtala naman ng 10 sa kanyang 13 puntos si Baguion sa final period upang akuin ng Batangas ang solong ikalawang puwesto sa 3-1 karta.
Bumagsak naman ang Archers sa 2-2.
"I give credits to the two for showing undying spirit though we trailed most of the game. Its a big win for us," ani Batangas mentor Nash Racela.
Mula sa 64-65 pagkakalugmok ng Blades, nagtulong sina Compton at Baguion upang hablutin ang trangko, 81-76 may 27.4 segundo na lamang ang nalalabi.
Ngunit binigyan pa ng sakit ng ulo ng ICTSI ang Batangas nang nagpakawala ng dalawang free-throws si Rob Johnson at isang layup ni Reynel Hugnatan para sa kanilang 80-83 pagbabanta may 5.5 tikada na lang ang nalalabi.
Ngunit naging matatag ang Batangas sa mga sumunod na play makaraang mag-split ang charities ni Jason Cuevas sa foul ni Bruce Dacia upang iselyo ang pinal na iskor.
Nagrehistro ng tig-11 puntos sina Cuevas at MC Caceres para sa Batangas Blades habang nagdagdag naman ng 10 puntos si Allan Capati.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended