Labag man sa kalooban
November 17, 2002 | 12:00am
Noong Biyernes ng gabi, tumulak patungong Australia si Deborah Civardi upang ipagpatuloy ang kanyang paglahok sa mga international ballroom competition. Susundan siya ng kanyang partner ng mahigit dalawang taon na si Alberto Dimarucut. Sa kanilang paglisan, mapipilayan ang pag-asa nating makaani ng karangalan sa dancesport.
Dahil sa pulitika sa pagitan ng Dance Sport Council of the Philippines (DSCP) at Philippine Professional Dance Sport Association (PPDSA), maraming tulad nila Dimarucut at Civardi ang naiipit, at hindi makalahok sa maraming dibisyon ng world championships.
Noong ikalima ng Oktubre, sumali ang tambalang Dimarucut-Civardi sa "Lord Mayor of Sydney Professional Superbowl" o ang labanan para piliin ang representante ng Australia sa world championships ng World Dance and Dance Sport Council (WD & DSC). Sa bagong kategoryang South American Showdance, tinalo nila ang tatlumpung iba pang lahok, upang tanghaling kinatawan ng Australia sa World Championships.
"Masama ang loob ko," inamin ni Dimarucut sa mapait na pagkapanalo. "Hindi ko lang masabi kung ang nararamdaman ko na hindi Pilipinas ang dinadala ko."
Ayon kay Dimarucut, isa sa mga balakid sa paglahok niya sa ibang bansa ay ang di-makatuwirang pagbabawal ng pakikipagtambalan sa mga dayuhan. Ang kanyang partner na si Civardi ay Australyanong sampung taon ng sumasayaw bilang pro. Subalit ito'y tinututulan dito sa atin.
"Tinatanggap ito sa buong mundo," paliwanag ni Dimarucut, na labimpitong taon nang sumasayaw, maging sa dating programa sa telebisyon na Vilma In Person.
"Halos lahat sa mga naging world champion ay galing sa magkaibang bayan. Bakit dito, hindi puwede?"
Sa panig ni Civardi, nakipagsapalaran siya dito sa ating bansa ng dalawang taon. Tiniis niya ang init, polusyon, at inilagay din sa alanganin ang kanyang kaligtasan, makapagsanay lang. Sa Australia, may kaya siya, subalit dito, naranasan niya ang magdyip, tricycle at kung anu-ano pa sa pagnanais niyang sumayaw para sa Pilipinas.
"My family has been begging me to go back," lahad niya. "But I've been ignoring them, especially when there have been terrorist attacks, or when I got sick from the pollution. But now, I have no choice."
Sa ganda ng isinayaw ni Dimarucut at Civardi, napansin sila ng pinakamahuhusay na instructor sa Australia. Sila ngayo'y tuturuan ni Des Matthews at Joan Allen.
Si Matthews ay dating chairman ng Australian Dancing Board, at ngayo'y pangulo ng Australian National Dance Association.
Si Allen naman ang nagpakilala ng Latin American dancing sa Australia, at ngayon ay ang pinakatanyag sa pagtuturo ng uri ng sayaw na iyon sa kanyang bansa.
Sa ngayon, nakatuon ang pansin ng dalawa sa UK championship at British championship bilang paghahanda sa World Championship. Pero hindi makikinabang ang Pilipinas, dahil sa walang kuwentang pulitikang bumabalot sa dancesport.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended