Sa unang salta ni James Yap para sa kanyang bagong koponan, umiskor ito ng dalawang krusiyal na free throws sa huling maiinit na segundo ng labanan tungo sa ikalawang panalo ng Archers sa tatlong pakikipaglaban.
Ang dalawang bonus shot ni Yap na nagdesisyong maglaro sa La Salle at kalimutan ang kanyang planong pagsi-sit-out sa kumperensiya dahil sa problema sa kontrata, ang nagkaloob sa Archers ng 77-74 kalamangan, anim na segundo na lamang ang oras sa laro.
Isang mabilis na turn-over ang nakamit ng Regent-Shark ngunit nanatiling may tsansang makahirit ng overtime nang magmintis si Bernzon Franco sa kanyang dalawang free throw, 5.3 segundo pa.
Ngunit tuluyang napasakamay ng La Salle ang panalo nang mare-bound ni Rob Johnson ang bola na nagkaloob sa Regent- Shark ng ikalawang kabiguan sa tatlong laro.