ICTSI-La Salle pinahirapan ng Regent-Shark
November 17, 2002 | 12:00am
LIPA CITY Dumaan muna sa butas ng karayom ang ICTSI-La Salle bago hugutin ang 77-74 panalo kontra sa Cheese Balls-Shark sa pagdako ng aksiyon sa PBL Chairmans Cup sa Lipa Cultural Center kahapon.
Sa unang salta ni James Yap para sa kanyang bagong koponan, umiskor ito ng dalawang krusiyal na free throws sa huling maiinit na segundo ng labanan tungo sa ikalawang panalo ng Archers sa tatlong pakikipaglaban.
Ang dalawang bonus shot ni Yap na nagdesisyong maglaro sa La Salle at kalimutan ang kanyang planong pagsi-sit-out sa kumperensiya dahil sa problema sa kontrata, ang nagkaloob sa Archers ng 77-74 kalamangan, anim na segundo na lamang ang oras sa laro.
Isang mabilis na turn-over ang nakamit ng Regent-Shark ngunit nanatiling may tsansang makahirit ng overtime nang magmintis si Bernzon Franco sa kanyang dalawang free throw, 5.3 segundo pa.
Ngunit tuluyang napasakamay ng La Salle ang panalo nang mare-bound ni Rob Johnson ang bola na nagkaloob sa Regent- Shark ng ikalawang kabiguan sa tatlong laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended