PSBA walang binatbat sa SSC Stags
November 13, 2002 | 12:00am
Natakasan ng back-to-back NCAA titlist San Sebastian ang mahigpit na hamon ng UCAA title holder Philippine School of Business Administration-QC sa dalawang overtime tungo sa 106-102 panalo sa pagpapatuloy ng Champions League 2002 kahapon sa Makati Coliseum.
Mula sa delikadong 99-97 kalamangan ng Baste isang 4-1 run ang kanilang isinagawa upang kunin ang maluwag na 103-98 kalamangan, 1:58 na lamang ang oras sa labanan matapos ang follow-up shot ni Paul Reguera na naging tuntungan ng SSC Stags sa tagumpay.
Ang panalong ito ang nagkaloob sa Baste ng ikatlong slot sa quarter-finals kung saan nakauna na ang Far Eastern University at University of Santo Tomas na nagsi-pagpanalo noong Linggo.
Humantong sa ikalawang overtime ang laro nang mabigong kumple-tuhin ni Al Federiso ang kanyang three-point play na sanay nagkaloob sa PSBA ng tagumpay bagkus ay kinailangan pa ng isa pang extra five minute dahil sa 93-pagtatabla ng iskor.(Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended