Indian, kampeon sa ITF-Phils. women's circuit

Binalewala ng unseeded na si Sania Mirza ng India ang nanakit na kanang siko upang maisubi ang singles title sa $10,000 Union Cement ITF-Philippines Women’s Circuit 1 kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni Mirza ang fifth seed at world’s No. 604 na si Wang I-ting ng Chinese Taipei, 2-6, 6-4, 7-5 upang makopo ang kanyang ikalawang korona matapos ang $10,000 Hyderabad event dalawang buwan na ang nakakaraan.

Itinala naman ng tambalang Kim Kilsdonk ng Netherlands at Dianne Matias ng Amerika ang 4-6, 6-4, 6-4 panalo kontra Chinese Dong Yan-Hua at Zhang Yao para sa doubles title at $650 sa event na ito.

Show comments