^

PSN Palaro

UAAP, NCAA teams sasalang ngayon

-
Ipamamalas ng mga mahuhusay na koponan mula sa UAAP at NCAA ang kani-kanilang tikas sa pagpapatuloy ng ikalawang araw ng knockout elimination ng Champions League 2002 sa Makati Coliseum ngayon.

Makakaharap ng San Sebastian College ang Philippine School of Business Administration sa alas-2 ng hapon, habang titipanin ng Ateneo ang West Negros University sa alas-4 ng hapon.

Inaasahang ibubuhos ng Stags, ang kasalukuyang NCAA title-holder ang kanilang buong lakas upang pigilan ang posibleng pananalasa ni Julius Peñaranda ng PSBA Jaguars kung saan sasandigan ni SSC coach Turo Valenzona ang karanasan ng kanyang koponan.

Babandera sa Stags sina Christian Coronel, Nurjanjam Alfad, Leomar Najorda, Paul Reguera at Clark Moore.

Sa iba pang laro, tila walang gaanong problema na nakiki-kita si coach Joel Banal na sariwa sa kanilang pagsubi ng korona ng UAAP nang kani-lang talunin ang mahigpit na karibal na La Salle sa UAAP finals kontra sa West Negros dahil siguradong gagawa ng eksplosibong opensa ang kanyang mga malalaking tao na sina Rico Villanueva, Rich Alvarez, L.A Tenorio, Wesley Gonzales at Alex Fonacier upang isulong ang Ateneo sa susunod na round.

Kasalukuyan ng kabilang sa round of eight ang University of Santo Tomas at ang Fa Eastern U na huli ng sumali matapos na mag-withdraw ang La Salle.

Pinatalsik ng Growling Tigers ang Hawks ng University of Manila, 93-81, habang sinuwag ng FEU Tamaraws ang Cardinals ng University of Baguio, 87-50. (Ulat ni Maribeth Repizo)

A TENORIO

ALEX FONACIER

ATENEO

CHAMPIONS LEAGUE

CHRISTIAN CORONEL

CLARK MOORE

FA EASTERN U

GROWLING TIGERS

JOEL BANAL

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with