Sa unang pagkakataon, may lehitimong Formula 1 driver na tumapak na sa Pilipinas. Si Jenson Button ng Mild Seven Renault ay nagpakita sa unang pagkakataon sa mga miyembro ng media sa Fort Bonifacio kahapon. Ang 22-taong gulang na driver ay nagtapos sa pampitong puwesto sa world ranking ng mga F1driver.
"What surprises me is how much younger drivers start out nowadays," lahad ni Button. I started learning to drive when I was about eight. Now I hear they're starting at five."
Inamin ni Button na mahirap talagang magkampeon sa Formula 1, hindi lamang dahil mabibigat ang kalaban, kung di dahil nagkakatalo sa mga makinang ginagamit.
"Ferrari really has an advantage at this point. Michael Schumacher is a great driver, no doubt, but Ferrari is so far ahead of other cars." Ilang ulit na ring nabigo si Button sa mga huling bahagi ng karera tuwing nahihirapan ang makina ng kotseng kanyang dinadala.
Di maiwasan ding tanungin si Button tungkol sa mga tsuper dito sa Pilipinas.
"They're crazy!" ang una niyang sambit. "But you know, you should have Formula 1 drivers," mabilis niyang pahabol. They have no fear. I don't think any of you do."
Ipinagdarasal din ng batang si Button na sana'y makahanap na ng puwang ang kasing-edad niya sa mga nagka-kampeon, dahil limang beses nang nagwagi ang 35-taong gulang na si Schumacher, at walang makasingit sa mga baguhan.
Pero ang payo ni Button sa mga nagsisimula pa lang ay ito.
"Just keep trying. You're going to have good days, and will surely have bad days. I failed my first driver's test when I was 17. Just keep on working, and the rewards will come to you."