Ang mga aspirants ay naghahangad makasama sa apat na teams ng Metro Manila, Bicol, Central Luzon at Nueva Ecija at sa karerang pangangasiwaan ng Professional Cycling Association.
Magsisimula ang karera sa alas-8:00 ng umaga ngunit isa-isang pakakawalan ang mga siklista ng may dalawang minutong pagitan.
Mayroon pang dalawang pre-qualifying races, ang susu-nod sa Nov. 17 sa Pililia at ang huli ay sa Argao, Cebu sa Nov. 24.
Ang top 120 riders sa tat-long qualifying races ay uusad sa ikalawang yugto ng qualifying na 192.5km massed start race mula Antipolo hanggang Baras via Real, Quezon at sa final phase na 40-km ITT sa Pililia din.
Pinakamaraming lahok ang Manila na may 65 riders kasu-nod ang Nueva Ecija na may 30, 29 sa Bicol at 28 sa Central Luzon.
Bagamat nagpalista ang mga national team members na sina dating Tour champion Warren Davadilla, Paterno Curtan Jr., Elmo Ramos, Nilo Estayo at Paulo Manapul, hindi tiyak kung sila ay makakapedal sa karera ngayong umaga. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)