RP-Macedonia nag-draw
November 9, 2002 | 12:00am
BLED Nauwi sa draw ang tunggalian sa pagitan ng Philippines at Macedonia upang manatiling walang talo makaraan ang limang rounds, ngunit nalasap ni Grandmaster Eugene Torre ang kanyang ikaapat na kabiguan kung saan ang kanilang kampanya na makatapos sa top 20 ay bahagyang lumamlam palapit sa penultimate round ng 35th World Chess Olympiad.
Sinikap ni Torre na maipanalo ang kanyang laban nang isakripisyo niya ang kanyang dalawang pawns, ngunit nabigo siyang makasalag kontra sa Super Grandmaster na si Kiril Georgiev na naging daan ng kanyang pagkatalo sa 51-move ng Trompovsky Attack.
At ang panalo ng Filipinos ay naiwan sa mga kamay ng 19-anyos na si Mark Paragua na magtatangka ng dalawa mula sa tatlong resulta para maging isang ganap na Grandmaster upang hatakin ang laro sa 2-2.
Dinispatsa ni Paragua, na kailangan lamang na umiskor ng hindi bababa sa 1.5 puntos kontra sa Grandmaster na kalaban na ang ranggo ay mas mataas kumpara sa kanyang 2476 rating sa huling dalawang rounds ng 14-round Swiss System tournament na ito si Zvonko Stojanovski sa 38 moves ng Sicilian Defense.
Nauwi rin sa draw ang laban nina Grandmaster Joey Antonio at Bong Villamayor kontra Vladimir Georgiev at Nikola Mitkov.
Nakasama niya si GM candidate Arianne Caoili na nagtala ng pinakamasagwang kamalasan sa kanyang batang career nang yumukod ang Filipinas sa Croatia, 3-0.
Hindi nagawang makaporma ni Caoili sa kalabang GM na si Mirjana Medic.
Pawang nabigo ang mga piyesa nina International Woman Master Beverly Mendoza at Sherrie Joy Lomibao sa kanilang mga kalabang sina Vlacek Macek (22 Kings Indian moves) at Mara Jelica (38 Sicilian).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am