Pinay belles agad mapapasabak

CLARK, Pampanga - Agad na mapapasabak sa mabigat na laban ang koponan ng Philippines sa pagpalo ngayon ng first Clark Centennial Cup Asian Women’s beach volleyball championship kung saan makakalaban nila ang Thailand at Indonesia sa Clear Country Club dito.

Sasagupain ng RP team 1 na binubuo ng tambalang Jennifer Bohawe at Sarah Faye Luna ang Indonesia 1 ngayong umaga, bago tipanin ang Thailand 1 tandem nina Manatsanan Pangka at Rattanaporn Arlaisuk, ranked 18th sa mundo at 1998 Bangkok Asiad gold medalist kinahapunan.

Base sa tournament format, ang top two teams sa bawat grupo ang siyang uusad sa crossover Final Four, na ang No. 1 team mula sa bawat grupo ang haharap sa No. 2 para sa slot ng title game na nakatakda sa Biyernes ng hapon. Ang magka-kampeon ay tatanggap ng US$3,000.

Babanggain naman ng Thailand 2, ang Busan Asian Games fourth-placer ang Philippines 2 ngayong hapon makaraang makipaghamok ang pareha nina Cecille Tabuena at Helen Dosdos sa Japenese pair nina Satoko Urata at Sanae Tsubakimoto.

Gaganapin ang opening ceremonies ng tournament na ito na inorganisa ng AYN Sports Management Group at suportado ng PAL, Gatorade, Speedo, Globe, Absolute Philippine Sports Commission at ng Philippine Star sa alas-3 ng hapon.

Dahil sa pagwi-withdraw ng China at Hong Kong, tanging walong koponan na lamang ang siyang naglalaban-laban sa field. Makakasama ng RP 1 ang Indonesia 1 at Thailand 1 at Vietnam na ang bawat miyembro ng grupo ay kailangang manalo ng hindi bababa ng dalawa mula sa kani-kanilang tatlong asignatura sa elimination phase upang umusad.

Galing ang tambalang Bohawe-Luna team ng Philippine sa kanilang impresibong performance sa Hong Kong leg ng circuit na ito noong nakaraang linggo at optimistiko si RP coach Roger Gorayeb na susulong ang isa sa dalawang local teams.

"They have gained a lot of experience playing in the previous legs," pahayag ni Gorayeb. "Our team is not wanting in the talent and skill, inexperience in beach volleyball has actually hampered our development in the sport. But we played well in Hong Kong and that is a good sign."

Show comments