Bahagyang nagpamalas ng supremidad ang Filipinos kontra sa mga Iraqis kung saan ang kanilang dalawang key players ay pawang sinupil nina GM Bong Villamayor at IM Nelson Mariano II.
Tinalo ni Villamayor si Ali Gattea, isang FIDE Master sa 39 moves ng Queens Gambit Tarrasch variation, nakipaghatian naman si Mark Paragua ng puntos kontra kay International Master Sarsam Saaed sa 75 sulungan ng Sicilian Defense.
Hiniya ni Mariano ang kalabang si Hadar Jaefri sa 55 moves ng French Defense at nauwi naman sa draw ang sagupaan sa pagitan nina Joey Antonio at Jwad Ahmad Asis sa 21 sulungan ng isa pa ring Sicilian.
Susunod na makakasagupa ng Filipinos ang Cambodia sa Martes sa 10th round.
Ginulantang naman ng Hungary ang Russia, 2.5-1.5 kung saan ibinigay ng reserve na si Robert Ruck ang kanyang sorpresang panalo sa board four kontra Peter Svidler sa 34 sulungan ng Sicilian Defense.
Nagtala naman ang Russia na pinangungunahan ni defending champion Garry Kasparov ng 24.5 puntos, habang ang Hungary ay mayroong 24 puntos na nalikom na sinundan ng China na may 23.5 puntos.
Patuloy ang pagdausdos ng womens team sa standing nang muling lumasap ng kabiguan kontra sa Canada, 2.5-.5.
Susunod na haharapin ng Filipinas ang Italy, na isa sa pitong bansa na katabla nila mula sa 56th hanggang 62nd places.