Baguio City elims sa Nobyembre 10
November 5, 2002 | 12:00am
"High-altitude excitement."
Ganito mailalarawan ang 11th regional elimination leg ng 26th National Milo Marathon na gaganapin sa Baguio City sa Linggo, Nov. 10.
Eksaktong alas-6 ng umaga papuputukin ang starting gun sa Burnham Park para sa penultimate regional leg ng pinaka-popular na karera sa bansa na sa ngayon ay humakot na ng pansin ng mahigit sa 43,000 runners sa nakalipas na 10 regional legs na karamihan dito ay mga estudyante.
Tampok sa Baguio race ang 20K elimination category na magsisilbing qualifier ng mga runners sa rehiyon na magtatangka na makakuha ng slots para sa 42K Grand finals na idaraos sa Dec. 8 sa Metro Manila. Ang iba pang kategorya sa karerang ito ay ang 5K Fun Run at 3K Kiddie Run na inaasahang lalahukan ng mga libu-libong kabataang runners. Magbibigay rin ng kulay ang pagtakbo ng mga celebrities sa Baguio leg ngayong taong National Milo Marathon.
Ang Baguio race ang siyang nakapag-produce ng ikatlong kampeon sa lalaki nang dominahin ni Ernesto Mendoza ang karera noong 1976 sa record-breaking performance nang kanyang itala ang 2:35:14, habang napagwagian naman ni Justo Tabunda ang National Milo Marathon Championships noong 1978 at 1980.
Mula rin sa Baguio City ang defending champion ngayong taon na si Cristabel Martes sa womens division kung saan mayroon na siyang tatlong sunod na kampeonato.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended