Binomba ni Sepulveda si Mercedes Reyes, 6-0, 6-0 at tinalo naman ni Labay si Katrin Joyce Reyes, 6-2, 6-0 habang nakakuha naman si Samala ng first-round bye.
Magsisimula ang laban ngayong alas-10 ng umaga kung saan haharapin ni Sepulveda ang second seed na si Diana Julianto ng Indonesia, habang sasagupain ni Labay ang fifth seed na si Sung Eun Hee ng Korea at makikipagpalitan naman si Samala ng palo sa seventh seed na si Ryoko Watanabe ng Japan.
Ang iba pang laban ay magtatampok sa top seed na si Zsusanna Babos kontra No. 9 Tiger Rock Angele ng Great Britain, No. 2 Korean Lee Choong-hee laban sa kababayang si Bae Hae-youn, No. 3 Mari Inoue ng Japan laban kay Patricia Mayr ng Austria, No. 4 Evelina Rusdianto ng Indonesia na sasabak kontra Korean Seo Soo-mi at No. 6 Orawan Lamangthong ng Thailand kontra Japanese Kumiko Anzai.
Ang mananalo sa dalawang round qualifying na ito ang uusad sa 32-person main draw na may nakatayang US$1,600 sa kampeon.