^

PSN Palaro

Pinoy chessers pinaghahandaan ang huling anim na round

-
BLED -- Para kay Mark Paragua, ang pagpapainit sa susunod na anim na round ng 35th Chess Olympiad ang tanging paraan upang manatili siyang nasa kontensiyon sa mahigpitang labanan.

Winalis ni Paragua ang seven-round rapid chess tournament noong Linggo na ungos sa mga Grandmasters na sina Joey Antonio at Bong Villamayor.

"We’re ready for action now," ani Paragua na siyang ikalawang highest scorer ng Pilipinos na makikipaglaban upang muling makabalik sa top 20 ng Olympiad.

Nakalubog ang men’s team mula sa 40th hanggang 51st puwesto at kailangan nilang palakasin ang kanilang kampanya.

Nagtala lamang si Eugene Torre, magdiriwang ng kanyang ika-51st kaarawan sa Lunes ng 2.5 puntos mula sa anim na laro kabilang ang tatlong talo, hawak pa rin ni Antonio ang top boards sa kanyang apat na puntos matapos ang anim na laro at tanging si Nelson Mariano II na lamang ang nananatiling manlalaro na wala pang talo.

Nakalikom naman si Villamayor na dalawang ulit na nabigo sa kanyang anim na laro ng dalawang puntos, habang 3.5 naman ang naipong puntos ni Paragua matapos ang anim na pakikibaka , habang si Petronio Roca ang consistent high scorer sa tatlong Olympiads ay mayroong 1.5 puntos mula sa apat na laro kabilang ang dalawang talo at si Mariano ay mayroong dalawang puntos matapos ang tatlong pakikipagpigaan ng utak.

Ang kabataan at enerhiya ni Paragua ang posibleng tumabon sa pananamlay nina Antonio at Torre, ngunit ayon sa Indonesian Grandmaster na si Utut Adianto na nandito sa FIDE Congress, na aksidenteng nasabay sa Olympiad, na ang 19-anyos na GM bet ay kailangan ng mas malalim na laban.

"Paragua only plays for the result. I have always said this, you must study, especially main opening lines and not play all the time if you want to improve," ani pa ni Adianto.

Mabigat ang susunod na kalaban ng Filipinos ang Iraq na inspirado matapos na talunin ang Latvia sa round of eight. At ang tangi nilang best players na sina Sarsaam Saad at Ali Gattea ay pawang International Masters at FIDE Masters, gayunpaman, pinayukod ni Gattea ang Grandmaster na si Nor-mandas Meizis upang pangunahan ang tagumpay ng Iraqi.

ALI GATTEA

BONG VILLAMAYOR

CHESS OLYMPIAD

EUGENE TORRE

INDONESIAN GRANDMASTER

INTERNATIONAL MASTERS

JOEY ANTONIO

MARK PARAGUA

NELSON MARIANO

PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with