Adducul vs De Ocampo maghaharap
November 4, 2002 | 12:00am
Dalawang mahuhusay na slotmen mula sa magkaibang henerasyon, Romel Adducul at Ranidel de Ocampo, ang magpapasiklaban sa paghaharap ng Welcoat at John-O ngayon sa pagsisimula ng 2002 PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.
Magsisimula ang laban sa alas-5:00 ng hapon pagkatapos ng debut game ng LBC-Batangas kontra sa Montana Pawnshop sa ganap na alas-3:00 ng hapon.
Hangad ni De Ocampo, ang tinanghal na MVP ng PBL-CBF Dual Meet, na patunayang siya pa rin ang pinakamahusay na sentro laban kay Adducul, ang 1997 MVP ng nagdisbanda nang Chowking.
"Panibagong challenge ito para sa akin dahil sa pagdating ng mga beterano at promising na sentro," pahayag ni De Ocampo. "Likewise, its an honor to play against these veteran slotmen lalo na si Adducul na naging impluwensiya na rin sa career ko."
"Excited din ako sa pagbabalik ko sa PBL na nagbigay talaga sa akin ng malaking break. I would be in an unfamiliar situation dahil kuya na ang turing nila sa akin," sagot naman ni Adducul.
Ang Paint Masters ang may pinakamataas na average height na 62 bukod pa sa kanilang mapanganib na frontliner at matitinik na three-pointers na sina Ronald Tubid, Paul Artadi, Dennis Miranda at Mac Cuan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended