Tanging si Mariano lamang ang siyang nagbigay pag-asa sa RP chessers nang maligtasan ang delikadong matting attack at gapiin si IM Sergio Rocha sa 32 moves ng Center Counter Game.
Nakipaghatian naman ng puntos si Grandmasters Joey Antonio at Bong Villamayor na lumaro sa top board sa kani-kanilang mga kalaban, ngunit si Petronio Roca ay walang naiambag na puntos sa bansa matapos na yumukod sa kanyang kalaban.
Taliwas sa inaasahan, hindi nakayanan ni Roca, na siya sanang makapagbibigay ng puntos para sa Filipinos ang kinaharap na hamon kontra FIDE Master Diego Fernando nang matalo ito sa marathon 59-move decision ng Nimzo-Indian encounter sa board three na siyang nagligtas sa Portugese.
Nakipaghatian si Antonio ng puntos kontra GM Luis Galego sa 40 sulungan ng Sicilian Alapin, habang pumayag naman si Villamayor sa 36 move deadlock kontra IM Rui Damaso sa klasikong French duel.
Umahon ang RP sa 40th place kasama ang 11 iba pang bansa na may nalikom na 17.5 puntos at umaasa sila na muling makakabalik sa kanilang nakatakdang pakikipag-laban kontra sa Iraq sa Linggo sa ninth round.
Sa kababaihan, hindi naman nasustinihan ni WIM Arianne Caoili ang kanyang panalo kontra sa Israeli Women GM noong Biyernes nang sumuko sa walang titulong si Atousa Pourkashiyan upang malasap ang .5-2.5 kabiguan sa mga kamay ng Iran.
Ito ang pinakamasaklap na pagkatalo ni Caoili na abot kamay na ang panalo, ngunit kinapos sa oras.
Talo rin si Kathlyn Ann Cruz sa kalabang si Mona Mahini Salman sa 32 moves, habang nakipaghatian naman ng puntos si Sherrie Joy Lomibao kay IM Shadi Paridar sa 74 move na naging daan upang bumagsak ang RP sa 43rd place kasama ang walong iba pa na may 12 puntos.
Susunod na makakalaban ng womens team ang Canada.