^

PSN Palaro

Labanan para sa no. 1

-
Simula na ang labanan para sa pagiging No. 1 collegiate basketball team ng bansa.

Makakaharap ng De La Salle University ang University of Baguio habang magsasagupa naman ang University of Santo Tomas at University of Manila sa Nov. 10 sa pagsisimula ng Champions League 2002 sa Makati Coliseum.

Magsisimula ang engk-wentro ng Green Archers, ang runner-up sa nakaraang UAAP sa likod ng nagkampeong Ateneo, at ng UB Cardinals, ang hari ng Baguio Educational Athletic League, sa ala-una ng hapon ang UST Growling Tigers at NAASCU titlists na UM ay magpapang-abot sa alas-3:00 ng hapon.

Ang Champions League na konsepto ni multi-titled coach Joe Lipa ay isang developmental project na naglalayong kilalanin ang pina-kamahusay na college basketball team sa bansa at bigyan ang amateur basketball ng mga talento na siyang kakatawan ng bansa sa hinaharap.

"All the best players from all the best college teams in the country will be on parade," pahayag ni Lipa. "I wouldn’t be surprised if an RP junior team gets formed even before the tournament is over."

vuukle comment

ANG CHAMPIONS LEAGUE

BAGUIO EDUCATIONAL ATHLETIC LEAGUE

CHAMPIONS LEAGUE

DE LA SALLE UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

GROWLING TIGERS

JOE LIPA

MAKATI COLISEUM

UNIVERSITY OF BAGUIO

UNIVERSITY OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with