Mapapasabak ang pareha nina Jennifer Bohawe at Sarah Faye Luna at ang tambalang Cecille Tabuena at Helen Dosdos sa mga best teams mula sa Southeast Asia sa pagbubukas ng nasabing tournament na inorganisa ng AYN Sports Management Group sa Miyerkules.
Makakalaban ng Philippines ang mga koponan mula sa Indonesia, Vietnam, Hong Kong, Japan at Thailand kung saan itinuturing silang underdogs sa meet na ito na suportado ng PAL, Speedo, Gatorade, Globe, Absolute, The Philippine Star at ng Philippine Sports Commission.
Kumpiyansa si coach Roger Gorayeb, na siya ring hahawak sa Philippine indoor team na maganda ang tatapusin ng RP belles sa six-nation, 10-team tourney na ito na inaasahang magiging malaking pagsubok para kina Bohawe-Luna na siyang nagdomina ng University Games sa Bacolod noong nakaraang taon.
Kasalukuyang nasa Hong Kong sina Luna at Bohawe ay nakatakda nilang buksan ang kampanya ng bansa sa fifth leg ng circuit na ito ngayon, habang sina Tabuena at Dosdos ay inihahanda na ng husto ni Gorayeb ng maaga sa dating United States base dito.
Ipapadala ng Thailand ang tambalang Kamoltip Kulna at Jarunee Sannok, ang Busan Asian Games fourth placers at Manatsanan Pangka at Rattanaporn Arlaisuk, ang tandem na ranked 18th sa mundo at 1998 Bangkok Asiad gold medalists.
Magpapadala rin ang China na siyang world power sa nasabing sport ng koponan sa Philippine leg, habang gaya ng Philippines, tig-dalawang team din ang isasabak ng Vietnam at Indonesia para sa top purse na nagkaka-halaga ng US$3,000.