Bumuhat si Dumapong, bronze medalist sa 2000 Sydney Paralympic Games ng 105kgs., upang makatabla sa bench-press record ng Australyanang si Julie Russell na itinala nito sa Beijing FESPIC Games noong 1995.
Napunta ang gold sa Chinese na si Li Ruifang na nagtala rin ng bagong world record sa kanyang binuhat na 142.5kgs., na bumura sa kanyang dating marka na 140kgs., na naiposte nitong kaagahan ng taon. Nag-bronze ang Korean na si Kim Mi Soon sa kanyang binitbit na 75kgs.
Ang silver medal ni Dumapong ang nagsiguro ng kanyang slot para sa 2004 Athens Paralympic Games.
Humakot ang 17-member ng Philippine contingent ng kabuuang dalawang silvers, kabilang ang kay Africita Salazar na tumapos ng ikalawa sa T-53 class (wheelchair) sa womens 100-m race at dalawang bronze medals mula kina Roderick Canta sa F-57 mens shot put at bagitong si Paz Enano sa T-54 womens 100-m run.
Tinanghal ang powerhouse China na overall champion sa kanilang 326 medals production (88 golds, 89 silvers at 49 bronzes) sinundan ng Korea 178 (58-63-57), Thailand 124 (41-47-36), Japan 80 *32-24-24) at Hong Kong 56 (26-15-15).