^

PSN Palaro

Pinay powerlifter, naka-silver

-
BUSAN--Nagsubi si powerlifter Adeline Dumapong ng silver medal sa women’s 82.5 kg., division noong nakaraang Huwebes sa Pukyong National University gymnasium upang bigyang ningning ang pagtatapos ng kampanya ng bansa sa 8th Far East and South Pacific (FESPIC) Games para sa mga may kapansanan dito.

Bumuhat si Dumapong, bronze medalist sa 2000 Sydney Paralympic Games ng 105kgs., upang makatabla sa bench-press record ng Australyanang si Julie Russell na itinala nito sa Beijing FESPIC Games noong 1995.

Napunta ang gold sa Chinese na si Li Ruifang na nagtala rin ng bagong world record sa kanyang binuhat na 142.5kgs., na bumura sa kanyang dating marka na 140kgs., na naiposte nitong kaagahan ng taon. Nag-bronze ang Korean na si Kim Mi Soon sa kanyang binitbit na 75kgs.

Ang silver medal ni Dumapong ang nagsiguro ng kanyang slot para sa 2004 Athens Paralympic Games.

Humakot ang 17-member ng Philippine contingent ng kabuuang dalawang silvers, kabilang ang kay Africita Salazar na tumapos ng ikalawa sa T-53 class (wheelchair) sa women’s 100-m race at dalawang bronze medals mula kina Roderick Canta sa F-57 men’s shot put at bagitong si Paz Enano sa T-54 women’s 100-m run.

Tinanghal ang powerhouse China na overall champion sa kanilang 326 medals production (88 golds, 89 silvers at 49 bronzes) sinundan ng Korea 178 (58-63-57), Thailand 124 (41-47-36), Japan 80 *32-24-24) at Hong Kong 56 (26-15-15).

ADELINE DUMAPONG

AFRICITA SALAZAR

ATHENS PARALYMPIC GAMES

DUMAPONG

FAR EAST AND SOUTH PACIFIC

HONG KONG

JULIE RUSSELL

KIM MI SOON

LI RUIFANG

PAZ ENANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with