Ang 5-10 na si Padilla, mahusay na manlalaro mula sa Cebuana Lhuillier sa Cebu Basketball Federation ang tinaguriang the second coming ni Roger Yap na isa ring three-point specialist at mahusay sa court generalship.
"I saw a Roger Yap in him, thats why I really went out of my way to get him for the team. The PBL-CBF meet was an eye opener that we lacked something in the team, and I believe Padilla is the missing link," ani Cheese Balls-Shark team manager Jesse Chua.
Si Padilla ay makikipagtulungan kina point-guard Warren Ybañez, Topex Robinson at Ismael Junio, Rysal Castro, Irvin Sotto, Francis Sanz at Rheynaldo Mendoza.
Magbibigay rin ng suporta ang mga rookies na sina Mark Abadia at Jan Anthony Coching sa mga bagong recruits na sina Nelbert Omolon, Nani Epondulan kasama ang mga mainstay na sina Gerald Ortega, Rolly Basilides at Mark Magsumbol.
Sa kabilang dako naman, magiging malaking tulong naman si Sayon kina Gary David, Jenkins Mesina, Sunday Salvacion, kasama sina Billy Mamaril, Jon Dan Salvador, Reymond Dula at Jam Alfad sa frontline.
Mangangasiwa sa backcourt sina Edgar Echavez, Christian Coronel at Marlon Kalaw kasama ang iba na sina Jayman Misola Jay Barral at Steve Marucot.