Hindi nagawang tapatan ni Torre, gamit ang kanyang mainstay na Pirc Defense ang pag-atake ng kabayo ni FIDE Master Farrukh Amonatiove na nagpuwersa sa kanya para isuko ang kanyang piyesa sa 24 move at ang kanyang rook para sa kabayo.
Lugmok ang buong rook, nagretiro si Torre sa 39-sulungan. Ngunit ang dalawa niyang kapwa GM na sina Joey Antonio at Bong Villamayor ay nanaig sa kani-kanilang kalaban gayundin si Mark Paragua upang ibigay sa RP ang 3-1 tagumpay.
Ang agresibong galaw ni Antonio ang nangailangan ng kanyang pag-atake kung saan ipinursige niyang ibigay ang kanyang rook na nagpuwersa naman kay International Master Jamshed Isaev na sumuko pagsapit ng 44 moves ng Scotch Game.
Sa wakas, winasak na rin ni Villamayor ang kanyang masamang porma at ipalasap sa di tituladong si Rashid Khouseinod ang pagkatalo nito makaraan ang 43 sulungan ng French Defense.
Ang matting attack sa Queens Gambit Declined ni Paragua ang siyang naghatid sa kanya ng panalo matapos ang 38 moves.
Ang panalo ang nagbigay sa Filipinos ng pakikisosyo mula sa 26th patungong 29th places sa Indian, Argentina at Uzbekistan na mayroon ng nalikom na 14.5 puntos.
Sa kabilang dako, muling nabuhayan ng pag-asa ang Philippine womens team na muling makapasok sa elite top 20 circle matapos na walisin ang Wales, 2.5-.5.
Kanilang makakaharap ang wala pa ring suwerte na Israel team sa kanilang tangka na makasama sa logjam para sa 30th hanggang 35th puwesto.
Pawang sinalanta ang all-grandmaster Israeli squad na seeded 30th ng tatlong sunod na kabiguan.
Winakasan ni GM candidate Arianne Caoili ang kanyang two-game losing streak nang gapiin si Debbie Evans Quek sa 53 sulungan ng irregular opening. Tinalo naman ni International women master Beverly Mendoza si Annie Powell sa 17 moves ng Closed Sicilian at nakipaghatian ng puntos si Sheerie Joy Lomibao kontra Catherine sa Bishop Opening.