Nagpamalas ng kanilang walang kamatayang espiritu at determinasyon sa pagsukbit ng PBL-CBF crown noon sa Cebu matapos na bumangon mula sa 0-3 panimula, tinatayang ang intact core na binubuo nina Marlon Legaspi, Eric dela Cuesta, Arnold Calo, Lou Gatumbato at Aries Dimaunahan kasama ang bagong recruit na sina Allan Gamboa at Mike Garcia ang pinakadelikado at unpredictable sa siyam na koponang naglalaban-laban.
Subalit para kay coach Leo Isaac, hindi sila dapat magwalang bahala.
Ang iba pang kukumpleto sa team ay sina Francis Machica, Jacques Gottenbos, John Prior, Gio Coquilla, Mel Latoreno at Tristan Codamon.
Dalawang iba pang koponan--ICTSI-La Salle at Dazz Dishwashing Liquid ang magpaparada ng kanilang malakas na lineup para sa kani-kanilang kampanya sa korona.
Taliwas sa mga lumabas na tsismis, mananatili si Mike Cortez bilang puso at kaluluwa ng ICTSI La Salle kasama ang mga mainstays na sina BJ Manalo, Manny Ramos, Dominic Uy, Bernzon Franco, Mika Vainio at Adonis Sta. Maria.
Binitbit ni coach Franz Pumaren sina Joseph Yeo, Ram Sharma,Mark Cardona at Michael Gavino mula sa kani-kanilang UAAP lineup at kinuha rin sina Reynel Hugnatan, Bruce Dacia,Dino Aldeguer at Fil-Am Rob Johnson.
Ang pagbabalik naman ni coach Junel Baculi sa koponan ang magbibigay sa kanyang unang break upang palakasin ang intact core ng Dazz sa pangunguna nina Mark Saquilayan, Cyrus Baguio, Nino Gelig, Francis Mercado at Allan Salansang.
Ang iba pang babandera sa koponan ay ang ex-MBA cagers na sina Joel Dualan, Eugene Tan at Peter Jun Simon, Ricky Natividad, Cesar Catli, Ryan Dy, James Razon, Christian Luanzon, Francis Jones at Alwin Espiritu.