Umaasa na muling maibabalik ang makasaysayang sandali, siniguro nina Welcoat owners Raymond Yu at Terry Que na masungkit ang mga mahuhusay na manlalaro upang muling makapagbuo ng bago pero kumpetitibong koponan sa kanilang pagharap sa bagong hamon sa pagbubukas ng 2002 PBL Challenge Cup sa Lunes, Nov. 4 sa Pasig Sports Complex.
Una, kanilang pinapirma ang dating Shark coach na si Leo Austria na magpapatunay na siya ay karapat-dapat lamang upang pantayan ang intensidad ng dating guro na si Junel Baculi na nagbalik na sa kanyang orihinal na koponan ang Kutitap Toothpaste.
At ang off-season ang nagbigay ng malaking oportunidad upang makapag-scout ng mga mahuhusay na manlalaro sa pangunguna nina La Salles Ronald Cuan, dating Freezer Kings Ariel Capus, Ronald Tubid at Paul Artadi at ng malalaking tao na sina 66 Jean Marc Pingris, 65 Rodel Celo, 65 Marl Isip at 68 Don Yabut.
Upang ganap na makasiguro sa kanilang intensyong paghahanap sa mga mahuhu-isay na cager, hinugot ng Wel-icoat ang dalawang hard-working veterans talents mula sa MBA--ang 6-3 guard na si Eddie Laure at 65 Romel Ad-iducul na pormal ng lumagda kahapon.
Ang iba pang kukumpleto sa koponan ay sina Calijohn Orfrecio, 65 Melvin Mamaclay at Rey Tuble, Paolo Malonzo at ang bagong recruit na 60 na si Dennis Miranda.
"We owe it to our fans and supporters that we give them nothing but the best. Malaking factor yung solid support nila in achieving that record feat of winning four championships all via sweeps," ani Yu.