Minsan na naming nakausap itong si Noli at sinabi niyang he is ready to accept the challenge kung sakaling palarin siya na sa kanya mapa-punta ang puwestong yan.
Dahil sa kalagayan ngayon ng PBA, ngayon higit kailanman mas kailangang-kailangan ng PBA na magkaroon ng isang matinong desisyon tungkol sa kung sino ang susunod nilang kapitan ng barko.
Naniniwala kaming puwedeng-puwede sa posisyon ng PBA commissioner itong si Noli dahil naniniwala kaming dala-dala niya ang maraming bagong ideya na maaring bumuhay sa PBA sa 2003.
Sana nga siya na...
"First time namin nag-champion dyan kaya naman tuwang-tuwa kami lahat sa team. Talagang pinaghirapan namin to," sabi ni Chris Espera, isa sa mga top player ng LPC.
Magaling din ang pag-handle na ginawa ni Mel Alas, kapatid ni coach Louie Alas at kasama ang kanyang coaching staff na sina Bembem Alcaraz, Francis Claveral, Jonathan Evangelista, Jayson Villegas, pati na rin ang mga players na sina Mejos, Mardeno, Pellejera, Taligatas, Amistoso, Daa, Piado, Gragasin, Constantino, Quitar, Alcaraz, dela Cruz, Caracena at pati na rin si Espera.
Ano kaya ang ibinigay sa kanilang bonus ng may-ari ng Las Piñas College na si Mr. David Uy?
Congratulations, Las Piñas College!
Pagpapatunay lamang yan na napakaraming players ang walang trabaho ngayon, lalo na nung mawala ang MBA.
Sanay marami pang kumpanyang tulad nitong Uratex na magka-ka-interes magbuo ng basketball team para naman mas marami ang mabigyan ng trabaho.
At ang kanilang consultant? Si Jimmy Mariano.
Mabuhay kayo.