Ang naturang alok ni Trinidad ay kanyang ginawa matapos ang consensus ng basketball officials ng bansa sa pangunguna ng basketball guru at CUBCC chairman na si Joe Lipa para sa panganga-ilangan ng makatotohanang programa upang palakasin ang tsansa ng bansa sa mga international competitions.
Tinukoy ni Lipa ang naging kampanya ng RP team sa nakaraang Busan Asian Games, sinabi nito sa mga sportswriters sa lingguhang PSA Forum na hatid ng Red Bull, Agfa Color at McDonalds na kailangan ng bansa ng isang long-term program upang ganap na makapagprepara para sa prestihiyosong international meets.
Ang iba pang panauhin ay sina CUBCC Commissioner Ramon Fernandez, BAP vice-president Christian Tan gayundin si Welcoat coach Leo Austria, Kutitap mentor Junel Baculi, LBC-Batangas coach Nash Racela --na lahat ay pawang pumayag sa pananaw ni Lipa sa nasabing forum na ginanap sa Holiday Inn Manila Pavillion.
"Pinag-uusapan ang service to the National flag, hindi na dapat nagdadalawang salita diyan. Even at this early, I will be committing the resources and talents of the PBL in preparing a team for the SEA Games," pahayag ni Trinidad.