Asian Women's Beach Volleyball tourney sa Clark

Nasa final na ang preparasyon para sa pagdaraos ng unang Clark Centennial Cup Asian Women’s Beach Volleyball Championship kung saan idineklara ng mga officials na ang venue na Clearwater Country Club ay nasa magandang kundisyon.

Ito ang ipinahayag ni Chito Narvasa, dating Philippine Basketball Association coach kung saan ang kanyang AYN Sports Management Group ang siyang hahawak sa nasabing proyekto kahapon ng maging panauhin sa PSA forum na hatid ng Agfa Color, Red Bull at McDonald’s.

"We are ready to host this event, proud of the fact that we will be able to showcase the beauty of our country as well tell the world that all is well here," ani pa ni Narvasa.

kasama ni Narvasa na dumalo sa Forum sina PAVA president Louie Gepuela, Asian Volleyball Confederation’s Tony Liao, Clearwater Country Club’s Bobby Hyndman at Clark Development Corporation manager Sonny Lopez.

Humakot ng atensiyon ang tournament ng 10 koponan mula sa anim na iba’t ibang bansa na ang regional powers Thailand at Indonesia ay sasali sa paghahanap ng premyong US$10,000.

Magpapadala ang bansa ng dalawang koponan para sa event na ito na magsisimula sa Miyerkules sa susunod na linggo. Ang dalawang araw ay para lamang sa elimination round at ang semifinal at title game ay lalaruin sa Biyernes.

Show comments