Makaraang magsara ang MBA, nagtungo si Compton sa Amerika para mamahinga pansamantala. At sa kabila ng pagsasaya nito kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa Madison, Winsconsin, hindi maikakaila mismo sa kanyang sarili na ang paglalaro ng basketball sa Pilipinas ay naging bahagi na ng kanyang sistema.
At ng malaman ng Batangas management sa pangunguna ni team owner Santi Araneta ang balita na maaari ng makapaglaro ang koponan sa PBL, hindi na siya naghintay para bitbitin ang kanyang bag at agad na magbalik sa lugar na kinukunsidera niyang tahanan.
"Im so excited to play again for Filipino basketball fans. And I just couldnt help but express my heartfelt gratitude to the PBL for the big, warm welcome," pahayag ni Compton.
Sa pamamagitan ng MBA Metrostars ang nagbigay sa kanya ng break upang makapasok sa RP basketball scene, tanging ilan lamang ang nakakabatid na ang ilang koneksiyon niya sa PBL ang nagbigay kay Compton ng inspi-rasyon na lumaro dito.
Nalaman ng 62 varsity ng Cornell College sa Ivy League na si Compton ang tungkol sa PBL sa pamamagitan ng kanyang assistant coach na si Tyron Pitts na lumaro bilang import ng Triple V noong 1993 PBL reinforced Conference.
"I heard so much how competitive the action is in the PBL and it gave me the idea Hey, why cant I play there? I was born in the Philippines." That thought just kept playing in my mind," pahayag ni Compton.