Unang ginto ng Iligan isinubi ni Canillo
October 29, 2002 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY - Isinubi ng Iligan City ang unang gintong medalya mula sa athletics event sa pagsisimula ng kumpetisyon sa 2nd Mindanao Friendship Games sa Don Gregorio Pelaez Sports Complex sa Cagayan de Oro City kahapon.
Binuksan ng 25-gulang na si Rovel Canillo ang kasaysayan para sa ikalawang edisyon ng Palarong ito na naglalayong mapagbuklod-buklod ang mga Muslim, Kristiyano at Lumads sa bahaging Mindanao, sa pagsusukbit ng gold medal mula sa 10,000 meter run kahapon ng umaga.
Nagrehistro si Canillo ng 33:42.05 upang daigin ang dalawang kalaban sa Bukidnon para sa maagang ginto ng Iligan.
"Masyadong mainit ang panahon dito, medyo hindi ako sanay dahil nakabase ako sa Baguio. Kung malamig po dito baka napaganda pa ang time ko," pahayag ni Canillo.
Nakuha ni Roger Sawin ang silver medal sa kanyang oras na 33:46.92 habang ang kanyang kasamahang si Jonel Laguido ay nagtala naman ng 33:59.50.
Umeksena naman ang pambato ng General Santos City nang kanilang maisukbit ang ikalawang gintong medalya kahapon.
Lumundag si Luisa Framen ng distansiyang 4.63 metro para sa kanyang gintong medalya para sa Gensan.
Pumangalawa naman si Daryll Joy Guillano ng Davao City sa kanyang 4.39 metro at ikatlo si Leonilla Angtigra ng Compostela .
Nagpakitang gilas naman ang guest team mula sa Ilocos Norte nang kanilang kunin ang ikatlong gold medal.
Nagsumite si Hana Erika ng distansiyang 9.74 para daigin ang mga pambato ng Tangub City at Davao City para sa gold.
Pumangalawa lamang sina Jonalyn Fede-rica ng Tangub (9.29) at ikatlo naman si Grace Tesaluna ng Davao, (8.97) ngunit ang kanilang performance ay pagkakalooban ng gold at silver medal ayon sa pagkakasunod para sa medal tally. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended