Matagumpay ang pagbabalik nina Canada at Raterta
October 28, 2002 | 12:00am
NAGA CITY Gumawa ng matagumpay na pagbabalik sina Alvin Canada at Luisa Raterta mula sa local running scene nang kanilang dominahin kahapon ang 26th Milo Marathon 20K qualifying race sa Naga City, Camarines Norte.
Inangkin ng 22-anyos na si Canada, nagtapos sa Camarines Norte State College ang pangunguna sa 6k mark na hindi na nagawang bitiwan pa upang solong tawirin ang finish line sa tiyempong 1:13:49 na nagkakahalaga ng P10,000 at ikalawang pagkakataon para sa kanya na makasama sa National Milo Marathon 42K finals sa Manila.
Sumegunda si Ernie Payong, 29-anyos mula sa San Jose, Camarines Sur na nagtala ng 1:14:32 at pumangatlo ang Armyman na si Leonardo Cabaña na nagposte ng 1:14:50 at mapasakamay ang huling slot para sa National Finals.
Sa womens division, naging matagumpay naman ang pagbabalik ni Luisa Raterta nang solong dumating sa finish line sa bilis na 1:40:08. Ang dating taga-Laguna, na ngayon ay nakabase na sa Legazpi, Albay ay nanganak noong isang taon.
Iniwan ng 21-gulang na si Raterta ang kanyang mga kalaban sa turning point upang solong tumawid ng finish line.
Pumangalawa si Maricel Pababero na may isinumiteng 1:44:15 na sinundan ng 21-gulang na si Joy Pardiñas na mayroong tiyempong 1:45:45.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended