Mas tumagal pa ang presentasyon para sa dalawang boksingero kaysa sa naging laban na itinigil sa 2:46 ng first round.
Isang right cross ang dumapo sa panga ni Rakkiatgym na nagpa-bagsak sa kanya sa unang pagkakataon, ngunit nagawang tumayo matapos ang eight count.
Muling pumorma sa laban at sa ikalawang pagkakataon tinamaan ni Pacquiao ng kanan, na nagpabagsak uli sa Thai
Dito, hindi na tinantanan ng 23-anyos na Filipino champion, at kinorner na ang 'di na makapormang Thai challenger.
Isang matinding right-left ang kasunod na pinakawalan ni Pacquiao at sa ikatlong pagkakataon ay lugmok na si Rakkiatgym.
Bagamat tinangkang bumangon ng Thai ay hilo na itong parang talilong na nagbigay pagkakataon kay Pacquiao na sundan ng isang left uppercut kasabay din ng mga suntok sa katawan at mukha ng Thai fighter at sa ika-apat na pagkakataon hindi na ito nakatayo pa sa kanyang pagkagulapay mula sa suntok ni Pacquiao na naging dahi-lan upang itigil na ni referee Bruce McTavish ng New Zealand.
Samantala, napanatili ni Philippine superban-tamweight title holder na si Jimrex Jaca ang kanyang korona nang kanyang talunin si Wihok Jockeygym ng Thailand sa pamamagitan ng unanimous decision sa undercard eight-round bout.
Sa isang 10-round supporting bout, naging maganda ang kampanya ni dating World Boxing Council (WBC) featherweight titlist Gregorio (Goyo) Vargas nang kanyang talunin ang local bet na si Chris Saluday.
Itinala ni Vargas ang TKO (technical knockout) na panalo may 1:30 minuto sa ikalimang round.