^

PSN Palaro

Thai pug tulog kay Pacquiao

-
DAVAO CITY - - Bilang katuparan sa kanyang ipinangakong sisi-kaping patulugin sa unang tatlong rounds ang kalaban--apat na beses pinabagsak ni Manny Pacquiao ang kalabang Thai sa unang round pa lang para itala ang technical knockout win kontra sa challenger na si Fahprakorb Rakkiatgym ng Thailand, na nagbigay kasiyahan sa may 3,500 na kababayang sumaksi sa laban sa Rizal Memorial College dito at mapanatili ang titulo sa International Boxing Federation (IBF) superbantam-weight division.

Mas tumagal pa ang presentasyon para sa dalawang boksingero kaysa sa naging laban na itinigil sa 2:46 ng first round.

Isang right cross ang dumapo sa panga ni Rakkiatgym na nagpa-bagsak sa kanya sa unang pagkakataon, ngunit nagawang tumayo matapos ang eight count.

Muling pumorma sa laban at sa ikalawang pagkakataon tinamaan ni Pacquiao ng kanan, na nagpabagsak uli sa Thai

Dito, hindi na tinantanan ng 23-anyos na Filipino champion, at kinorner na ang 'di na makapormang Thai challenger.

Isang matinding right-left ang kasunod na pinakawalan ni Pacquiao at sa ikatlong pagkakataon ay lugmok na si Rakkiatgym.

Bagamat tinangkang bumangon ng Thai ay hilo na itong parang talilong na nagbigay pagkakataon kay Pacquiao na sundan ng isang left uppercut kasabay din ng mga suntok sa katawan at mukha ng Thai fighter at sa ika-apat na pagkakataon hindi na ito nakatayo pa sa kanyang pagkagulapay mula sa suntok ni Pacquiao na naging dahi-lan upang itigil na ni referee Bruce McTavish ng New Zealand.

Samantala, napanatili ni Philippine superban-tamweight title holder na si Jimrex Jaca ang kanyang korona nang kanyang talunin si Wihok Jockeygym ng Thailand sa pamamagitan ng unanimous decision sa undercard eight-round bout.

Sa isang 10-round supporting bout, naging maganda ang kampanya ni dating World Boxing Council (WBC) featherweight titlist Gregorio (Goyo) Vargas nang kanyang talunin ang local bet na si Chris Saluday.

Itinala ni Vargas ang TKO (technical knockout) na panalo may 1:30 minuto sa ikalimang round.

CHRIS SALUDAY

FAHPRAKORB RAKKIATGYM

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

ISANG

JIMREX JACA

NEW ZEALAND

PACQUIAO

RAKKIATGYM

RIZAL MEMORIAL COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with