^

PSN Palaro

San Miguel taob sa Brgy.Ginebra

-
BALANGA, Bataan--Nakapasok na rin sa win column ang Barangay Ginebra nang kanilang silatin ang sister team na San Miguel Beer sa unang out-of-town game ng Selecta PBA-All Filipino Cup na dumayo sa Bataan People’s Center sa Balanga, Bataan kagabi.

Ang panalong ito ng Kings ang siyang tumabon sa kanilang unang pagkatalo kontra sa isa pang sister team na Purefoods TJ Hotdogs noong opening day sa Big Dome.

Nagpakitang gilas si Eric Menk nang kanyang pangunahan ang opensa ng Kings sa kinamadang 26-puntos upang ibigay sa Beermen ang una nilang kabiguan matapos ang unang panalo.

Nagbigay rin ng magandang suporta kay Menk si Bal David na pumunit ng 18 puntos kung saan ang siyam nito ay mula sa final canto na siyang dahilan upang maagaw nila ang trangko ng laro.

Inupuan ng Kings ang pangunguna sa 51-48 matapos ang back-to-back basket nina Chester Tolomia at David sa pagputok pa lamang ng fourth period na hindi na nila pinabayaan pang mapasakamay muli ng Beermen.

Bagamat nagbanta ang Beermen sa 61-62, matapos na umiskor ng tres si Boybits Victoria, 2:33 ang nalalabi sa laro, sumagot naman sina David at Menk ng basket upang iselyo ang tagumpay ng Kings.

Samantala, ikalawang sunod na panalo at pakikisosyo sa liderato ang nakataya sa sagupaan ng Alaska Aces at Batang Red Bull sa Selecta-PBA All Filipino Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Kapwa naging matagumpay ang Aces at Thunder sa kanilang debut game sa season-ending conference na ito ngunit maghihiwalay ang kanilang landas sa pagtatapos ng kanilang alas-5:45 ng hapong sagu-paan na siyang main game ngayong hapon.

Mauuna rito,mag-aagawan naman sa buwenamanong panalo ang Coca-Cola Tigers at Shell Velocity sa ganap na alas-3:45 ng hapon.

Naungusan ng Alaska ang Shell Velocity noong Miyerkules, 69-67 kung saan nagbida si John Arigo sa larong ito sa pag-hakot ng 21-puntos.

Nagsanib naman ng puwersa sina Davonn Harp at Willie Miller sa 76-70 panalo ng Red Bull kontra sa Coca-Cola nang gabi ring iyon. (Ulat ni Beth Repiso)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALL FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

BAL DAVID

BARANGAY GINEBRA

BATAAN PEOPLE

BATANG RED BULL

BEERMEN

BETH REPISO

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with