Checkmate clinic umpisa na

Magsisimula na ngayon ang mga chess classes para sa ikaanim na serye ng Milo Checkmate Saturday-only clinic sa tatlong magkakahi-walay na venues sa Metro Manila.

Ang lectures sa Alabang ay gaganapin mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa St. Benedict College (dating Benedictine Abbey) HS lounge sa loob ng Alabang Hills Village; sa Manila --alas-9:00 ng umaga hanggang ala-una ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa harap ng Harrizon Plaza; at sa San Juan --alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Jollibee playing ground sa loob ng parking space ng Greenhills Shopping Center.

Tatanggapin pa rin ang mga enrollees na limang taong gulang at pataas, 15-minuto bago magsimula ang mga klase sa mga venues o tumawag sa MCC sa 826-8560 at 852-1069.

Mayroon ding Sunday clinic mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa J & F Divino Bldg. sa #968 Aurora Blvd. malapit sa Anonas St. Quezon City.

Show comments