FedEx taob sa Purefoods
October 26, 2002 | 12:00am
Nailusot ng Purefoods TJ Hotdogs ang kanilang ikalawang sunod na panalo nang kanilang maungusan ang FedEx Express, 85-82 kagabi sa Selecta-PBA All-Filipino Cup sa Cuneta Astrodome.
Naging see-saw ang labanan kagabi ngunit sa dakong huli ay naging matatag ang TJ Hotdogs upang maduplika ang kanilang opening day win kontra sa kanilang kapatid na kumpanyang Barangay Ginebra para sa pansamantalang solong liderato.
Buhat sa 77-73 kalamangan ng Express, sinimulan ni Kerby Ray-mundo ng back-to-back basket ang isang 12-5 run upang iselyo ang tagumpay ng TJ Hotdogs.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng FedEx matapos mabigo kontra sa defending champion San Miguel Beer noong opening day.
Pinangunahan ni Andy Seigle ang Purefoods sa kanyang hinakot na 19-puntos, pitong rebounds, tatlong assists at isang block habang si Raymundo ay nagsumite naman ng 12-puntos, 7-rebounds at 3-assists.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia Realty at Talk N Text na nagparada ng kanilang bagong Amerikanong coach na si Paul Woolpert sa kanilang debut game kagabi para sa season-ending conference na ito.
Nakakuha ng working permit mula sa Department of Labor para makahabol sa laro kagabi si Woolpert na nagsabing batid nito ang pagtutol ng Basketball Coaches Association of the Philippines sa kanyang pagkakatalaga sa Phone Pals.
Samantala, dadalawin naman ng magkapatid na kumpanyang San Mi-guel at Ginebra ang Balanga, Bataan para sa unang out-of-town game ng PBA.
Nakatakdang magpang-abot ang Beermen at Gin kings sa alas-5:00 ng hapon sa Peoples Center. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended