^

PSN Palaro

Amerikanong coach ng Phone Pals isasalang na

-
Maglalaro na sa kanilang unang game sa season-ending conference na Selecta-PBA All Filipino Cup, makakabalik na ang mga National players na sina Asi Taulava at Dennis Espino sa kani-kanilang koponan ngunit may isang bagay na wala pang katiyakan.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, hindi pa kumpirmado kung makakapag-coach ang isa na namang Amerikanong si Paul Woolpert bilang kapalit ni Bill Bayno sa Phone Pals.

Nag-abiso na ang Talk ‘N Text na ang CBA All-Star coach ang magma-mando ng koponan ngunit wala pang nakukuhang working permit mula sa Department of Labor at lisensiya mula sa Games and Amusement Board si Woolpert.

Kung makukuha niya ang mga dokumentong ito bago magsimula ang laban ngayon ng Phone Pals at Realtors sa alas-7:30 ng gabi ay magiging sentro ito ng atraksiyon sa Cuneta Astrodome.

Sa pambungad na laban, sisikapin ng opening day winner na Pure-foods TJ Hotdogs na maisukbit ang kanilang ikalawang sunod na panalo upang kunin ang pansamantalang solong liderato sa kanilang pakikipagharap sa FedEx Express sa alas-5:30 ng hapon.

Matapos pangunahan ang RP team na kumampanya sa nakaraang 14th Asian Games sa Busan, South Korea, inaasahang pamumunuan naman ngayon ni Taulava ang kanyang mother team na Talk ‘N Text gayundin ang kanyang kapwa National player na si Espino na magbabalik naman sa Realtors.

Ayon naman sa presidente ng Basketball Coaches Association of the Philippines na si Chito Narvasa na hindi na nila papayagan pang makaupo sa bench si Woolpert tulad ng nangyari kay Bayno.

Kung hindi makakakuha ng working permit si Woolpert, inaasahang ang mga assistant coaches na sina Aric del Rosario at Ariel Van-guardia ang magko-coach. (Ulat ni CVOchoa)

ALL FILIPINO CUP

ARIEL VAN

ASI TAULAVA

ASIAN GAMES

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BILL BAYNO

CHITO NARVASA

N TEXT

PHONE PALS

WOOLPERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with