Blu All-Purpose kampeon

CEBU City --Pinatunayan ni coach Leo Isaac na di dapat mawalan ng pag-asa kahit nasa panganib na.

Mula sa paghahabol sa halos kabuuan ng laro, naging matatag ang Blu All Purpose sa final quarter para sa isang malaking pagbangon upang pabagsakin ang Montana Pawnshop, 77-73 kahapon para isukbit ang titulo sa PBL-CBF Dual Meet II sa University of San Carlos gym dito.

Bumawi si Marlon Legaspi, ang tinanghal na Most Valuable Player, sa kanilang mahinang simula nang pangunahan nito ang Blu sa second half sa paghakot ng 11 sa kanyang tinapos na 13-puntos kabilang ang tatlong triples.

Sinandalan naman ng Regent-Shark sina Mark Magsumbol, Nani Epondulan at Gerald Ortega upang igupo ang Cebuana-Lhuillier, 82-75 upang makopo ang konsolasyong ikatlong puwesto.

Show comments