Inaasahan ang pagdating nina Pacquiao, nasa kanyang ikatlong pagdedepensa ng titulo na kanyang nakuha mula kay Lehlo Ledwaba ng South Africa noong nakaraang taon, at ang Thai pug ngayon sa Davao City para sa kanilang opisyal na pagtitimbang sa susunod na araw.
Nakatakda ang 12-round bout nina Pacquiao at Rakkiatgym sa Sabado sa Rizal Memorial Colleges gym dito para sa International Boxing Federation (IBF) super bantamweight title.
"Everything is now ready for the fight. We have already made the necessary preparations," ani North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol, na nangangasiwa ng organizing committee.
Ayon kay Davao city mayor Rodrigo Duterte handa na ang lahat pa-ra sa laban kung saan maging ang seguridad ay kanilang tiniyak dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Bilang supporting bout, maghaharap naman sina dating World Boxing Council featherweight champion Goyo Vargas ng Mexico at ng local bet na si Christopher Saluday, ang no. 1 lightweight contender sa bansa.
Ang iba pang tampok na laban ay sa pagitan nina Danilo Lerio kontra sa sumisikat na si Philip Parcon, at Wihok Jockeygym ng Thailand kontra kay RP super bantamweight champion Jimrez Jaca.