^

PSN Palaro

Pacquiao at kalabang Thai nagharap na

-
Nagkaharap sa kauna-unahang pagkakataon sina Filipino champion Manny Pacquiao at ang kanyang Thai Challenger na si Fahprakorb Rakkiatgym sa kanilang pre-fight presentation kagabi sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City.

Inaasahan ang pagdating nina Pacquiao, nasa kanyang ikatlong pagdedepensa ng titulo na kanyang nakuha mula kay Lehlo Ledwaba ng South Africa noong nakaraang taon, at ang Thai pug ngayon sa Davao City para sa kanilang opisyal na pagtitimbang sa susunod na araw.

Nakatakda ang 12-round bout nina Pacquiao at Rakkiatgym sa Sabado sa Rizal Memorial Colleges gym dito para sa International Boxing Federation (IBF) super bantamweight title.

"Everything is now ready for the fight. We have already made the necessary preparations," ani North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol, na nangangasiwa ng organizing committee.

Ayon kay Davao city mayor Rodrigo Duterte handa na ang lahat pa-ra sa laban kung saan maging ang seguridad ay kanilang tiniyak dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Bilang supporting bout, maghaharap naman sina dating World Boxing Council featherweight champion Goyo Vargas ng Mexico at ng local bet na si Christopher Saluday, ang no. 1 lightweight contender sa bansa.

Ang iba pang tampok na laban ay sa pagitan nina Danilo Lerio kontra sa sumisikat na si Philip Parcon, at Wihok Jockeygym ng Thailand kontra kay RP super bantamweight champion Jimrez Jaca.

CEBU CITY

CHRISTOPHER SALUDAY

DANILO LERIO

DAVAO CITY

EMMANUEL PI

FAHPRAKORB RAKKIATGYM

GOYO VARGAS

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JIMREZ JACA

LEHLO LEDWABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with