Kahit saan
October 23, 2002 | 12:00am
Hindi kasali ang ABS-CBN sa nagbi-bid para sa TV rights ng PBA para sa 2003 and beyond.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ngayong taon na ito mage-expire ang rights ng Viva TV ni Vic del Rosario.
Magbi-bid pa rin si Boss Vic kahit na malaki na ang nalugi niya nitong mga nakaraang taon dahil kakaunti ang pumasok na advertisers sa coverage.
Pero may mga kasabay ba siyang nagbi-bid at yan ay ang IBC 13 pa rin at NBN 4. Kasama sa mga nagbi-bid si Bobong Velez ng Vintage na siyang may hawak ng rights.
For a while ay kinunsidera ng ABS-CBN na sumali sa bidding pero ang istasyon na ibinibigay nila ay ang Studio 23 kung saan napanood din natin ang NCAA at UAAP games. Ayaw daw yun ng mga board of governors ng PBA.
Kaya nag-back out na ang ABS-CBN.
Tama ang ABS-CBN. Bakit nga naman ipagpapalit ng Channel 2 ang mga top rating teleserye nila at iba pang show eh kumikita ang mga ito ng limpak-limpak para sa istasyon?
Tingnan mo nga si Boss Vic, di niya alam na ganyan na pala kahina ang PBA sa mga advertisers kaya nahirapan din siya sa kanyang operations.
Hanggat di makaka-isip ang PBA ng mga bagong pakulo, hanggat di sila gagalaw para magkaroon ng mga bagong gimik na makaka-attract sa televiewers, hanggat magmamarunong pa rin ang mga akala mo kung sinong marunong diyan sa PBA, patuloy na bababa ang ratings niyan at patuloy din na mawawala ang mga advertisers diyan.
Walang problema kung saan ka mang istasyon.
Kahit nasa 4, nasa 13, nasa 2, nasa 7, nasa 23 o kahit cable 54 pa.
Basta gusto ng tao, susundan at susundan nila yan.
Pag ayaw na ng tao, kahit nasa top-rating station ka pa, di ka pa rin panonoorin.
Tingnan mo ang Ateneo-La Salle finals, dahil gustong mapanood ng tao, nakatutok pa rin sila sa Studio 23. Ang dami ring pumasok na advertisers. At grabe din ang tao sa Araneta Coliseum.
Sige nga, kelan ba huling nagkaroon ng hindi mahulugang tao sa Araneta Coliseum para sa isang PBA game.
Kelan ba huling pinag-usapan ng todo-todo ng mga tao ang isang PBA game tulad nung mga Ginebra days ni Jaworski?
Kelan ba huling nagkaroon ng isang PBA superstar na talagang tinitilian at sinusundan ng mga basketball fans?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended