Karanasan kontra kabataan

Karanasan laban sa kabataan.

Di gaya ng kanilang unang championship meeting noong Pebrero, mas kumpleto at maraming talent ang Montana Pawnshop sa kanilang pakikipaglaban sa Blu All-Purpose ngayon sa kanilang sudden-death duel para sa PBL-CBF Dual Meet crown sa University of San Carlos gym dito sa Cebu.

Ngunit kung paano haharapin ng Jewelers ang higit na mas intact at beteranong Detergent Kings ay malalaman ngayon sa alas-6:30 ng gabing engkwentro.

Bago ito, maglalaban naman para sa konsolasyong ikatlong puwesto ang Regent-Shark at Cebuana-Lhuillier sa isang knock-out game sa alas-5:30 ng hapon.

Maging si Montana coach Ronnie Dojillo ay aminadong mas eksperyensado ang Blu na siyang malaking bagay na kanilang susuungin.

Bagamat kumpiyansa naman si Blu coach Leo Isaac sa kanyang mga bata, hindi nito maaaring balewalain ang kanilang kalaban.

Show comments